songImage

Ako ang bagyo by Shean

Shean

[Intro] Yeah, yeah, yeah, yeah Yeah, yeah, yeah, yeah Yeah, yeah, yeah, yeah Yeah, yeah, yeah, yeah, yeah, yeah Nang marinig ko ang bone-bone-bone (bone-bone-bone) Sinabi sa sarili 'yon-'yon-'yon ('yon-'yon-'yon) Nang marinig ko ang bone-bone-bone (bone-bone-bone) Sinabi sa sarili [Chorus] Minsan mas mahal pa ang luma Mas nilalapitan ang mura Huwag na huwag kang magpapahadlang Na makamit ang nais mong makuha [Verse 1] Nandito na naman ako Bitbit ang bagong sulat ko Ibabahagi sa inyo Saglit po lang naman ito Ikaw ba ay nalulumbay At tila 'di makasabay Sa agos na tumatangay Gamitin mo akong tulay Simula nang piliin ko ang landas na Dapat tahakin ay kailanma'y 'di na'ko bumalik Naiwanan man ng iba na 'di ko akalain ay medyo mahangin Sa paanan ay dapat humalik 'Di ko kaya, ni minsan ay hindi ko dinaya Marunong akong magpaubaya Kung hindi mo pa talaga oras Initin na lang ang sopas At bilangin mo ang lahat ng biyaya Makukuha mo rin ang sa'yo, ang sa'yo ay sa'yo Kahit na ano pa man Ihanda mo na ang pangsalo May manggulo mang sanggano Kahit na sino pa 'yan Tandaan mo ang lahat ng aking sinabi Hawakan palagi Dahil ito ang siyang matatawid sa'yo Kahit na maputukan ka ng labi Basta lumagari, talasan ang tari Tuwing maririnig mo 'to Ang bago ni Gloc [Chorus] Minsan mas mahal pa ang luma (ayy) Mas nilalapitan ang mura (ayy) Huwag na huwag kang magpapahadlang Na makamit ang nais mong makuha Minsan mas mahal pa ang luma (ayy) Mas nilalapitan ang mura (ayy) Huwag na huwag kang magpapahadlang Na makamit ang nais mong makuha [Verse 2] Wala namang masama sa maging mahusay Maipakita mo na ikaw ang may taglay Sa huli ang isang mahalagang tanong ay Alam mo ba kung ano ang tunay na tagumpay Hayaan mo na pabaunan kita ng Ilang pirasong tinapay bago ka pa man umalis 'Di ito usapan kung sinong pinakamabilis Kung may makalamang sa'yo, 'di ka dapat mainis Bagkos ay ikatuwa mo Gamitin mo upang ang baso mo'y malagyan ng laman Kunin mo sa mga may duda sa'yong kakayahan Bumangon ka diyan upang 'di tuluyang madaganan Para pawisan kailangan mong kumilos Kasi sa panahon ngayon, bihira nang puro bigay Bakit tayo tinitipos Kapag nauutusan natin ang mga nanonood na mag-ingay Palakpakan at sigawan Ang tangan na yaman ng mga tulad nating makata Tama na ang yabang hip-hopang Hidwaan putik lang ang siyang mapipiga Sinong matiyaga [Pre-Chorus] Naiinip na maghintay Pagod na sa paghuhukay Kung ang hakbang mo ay ngalay Gamitin mo akong saklay [Chorus] Minsan mas mahal pa ang luma (ayy) Mas nilalapitan ang mura (ayy) Huwag na huwag kang magpapahadlang Na makamit ang nais mong makuha Minsan mas mahal pa ang luma (ayy) Mas nilalapitan ang mura (ayy) Huwag na huwag kang magpapahadlang Na makamit ang nais mong makuha Yeah, yeah, yeah, yeah Yeah, yeah, yeah, yeah Yeah, yeah, yeah, yеah Yeah, yeah, yeah, yеah [Verse 3] Akala mo tapos na mga tuhod ay ngalos na Sa mainit na baga tinusta, kanino pumusta Sinong kasama sa nilista mga 'di naniwala kumusta Di mo ba alam hanggang diyan ka lang Ang laging laman ng mga salita na pinalaman Anong tinatayo mo diyan, sige kalagan Dapat palaban, nakahanda ka dapat na halikan Kahit sa mga makamandag ay lumapit Mataas mang sipatin ay abutin mong bigla Hindi masamang sumabit Dito ka sa kaliwa man o sa kanan Puwede rin sa gitna, ganyan lang ang buhay Ang mahusay humandusay ang mga napagbibigyan Tumayo kahit sumuray Ang dugo ay siyang patunay mo na pag ibig 'yan Hindi na kailangan na patunayan, balewala 'yan Kung 'di kinaya, may pagkakataon pa naman Kahit na ikaw ay mapilayan ang 'yong kalagayan Ay nakasalalay, saan mo pinatong ang pinggan Para meron ka pang magamit Kung galit man ang langit, 'di ka mabasa ng ulan Ginawin ka sa gabi na malamig, wala nang nakakarinig Sigaw mo ng pagkagipit, palagi kang pinapagtaksilan Sino tandaan mo lang [Chorus] Minsan mas mahal pa ang luma (ayy) Mas nilalapitan ang mura (ayy) Huwag na huwag kang magpapahadlang Na makamit ang nais mong makuha Minsan mas mahal pa ang luma (ayy) Mas nilalapitan ang mura (ayy) Huwag na huwag kang magpapahadlang Na makamit ang nais mong makuha Minsan mas mahal pa ang luma (ayy) Mas nilalapitan ang mura (ayy) Huwag na huwag kang magpapahadlang Na makamit ang nais mong makuha Minsan mas mahal pa ang luma (ayy) Mas nilalapitan ang mura (ayy) Huwag na huwag kang magpapahadlang Na makamit ang nais mong makuha